Mga natatanging pelikula sa Asya, pinarangalan sa Asia Cinematography Awards 2020

Mga natatanging pelikula sa Asya, pinarangalan sa Asia Cinematography Awards 2020

Mga natatangging pelikula mula sa Asia Pacific Region ang nakatanggap ng parangal sa Asia Cinematography Awards na ginawa sa Eagle Broadcasting Corporation.

Kumpleto sa awards night ang mga staff and crew maging Director ng kada nominadong pelikula.

Tatlong daang entries ang sumali sa nasabing award giving body pero tatlumpu’t dalawa dito ang nakapasok sa finals.

Sampung buwan ang ginugol para makapili ng mga natatangging pelikula na makatatanggap ng gawad.

Nagpapasalamat sa organizers ang nakatanggap ng parangal para sa kani-kanilang mga pelikula.

Layon ng grupo na makapagbigay inspirasyon sa lahat ng mga aspiring film makers maging sa mga may talento at may potensyal sa larangan.

Kaya maging ang mga kabataan ay sumali sa workshop ng grupo na tinawag na Cinelab, marami anila silang natutunan sa paggawa ng isang pelikula maging sa pagbuo din nito.

Magpapatuloy naman anila hanggang sa mga susunod pang taon ang pagbibigay parangal sa mga natatangging aspiring film makers.

——–
The station is dedicated to the growth and revolution of the new media era. It is created as a community and a resource — a center of values where its best practices can be explored and where vision and innovation are shared to build new opportunities that enrich life.

#NET25

Watch NET 25 Online:

Like us on Facebook:
Follow us on Twitter:
Tumblr: /

Recommended


Documentary Film Making Basics

Cinematic Film Making Techniques

Film Awards Season

Cinematic Film Making Techniques